Tuesday, April 14, 2009

Unang dayuhan na ipinako sa krus sa Pampanga

Alam nyo ba na naging kontrobersyal ang unang dayuhan na nagpapako sa krus sa San Pedro Cutud, Pampanga sa paggunita ng Semana Santa noong 1995.

Sinasabing ang Japanese national na si Shinichiro Kaneko ang unang dayuhan na nakasama ng mga Pinoy na nagpapako sa krus sa San Pedro Cutud bilang pag-aalala sa dinanas na hirap ni Hesus.

Pagkalipas ng isang taon, nagpalabas ng kautusan ang mga awtoridad na huwag ng magsama ng dayuhan sa pagpapapako sa krus matapos malaman na ginamit lang ni Shinichiro ang pagpapapako sa kanyang pornographic video. – Fidel Jimenez, GMANews.TV

No comments:

Post a Comment